Hanggang ngayon, bitter pa rin ako sa tanong na yan. Bakit, hindi ba pwedeng they will come and stay for a long period of time? OK na yun eh. Kaso they will come and for a very very short period of time lang sila magsstay. Nakakainis yung ganun. Napalapit ka na sa taong yun eh, napamahal ka na sa kanya tapos aalis or iiwanan ka. Marami akong pinagtanungan ng tanong na ito at ito ang sagot nila...
Itago natin sa pangalang "Nic" yung HS klasmeyt ko. Para sa kanya,
it's time for them to touch someone else's life naman.
Para naman kay "Dadi" ko (tawagan lang namin),
Wala naman kasing permanente dito sa mundo.
Sabi naman ng "Mahal na prinsipe ko" (tawagan ulit. Haha!)
The come para sa mga taong umaalis and they go para sa mga taong dumadating.
Infairness, tama talaga mga sagot nila. Totoo naman ata talaga. Naniniwala akong wala talagang permanente dito sa mundo. Pati nga buhay natin, hindi permanente diba? Hiram lang naman 'to. Yung mga kaibigan natin, lumago na ang friendship na nabuo, pero kailangan talaga nila umalis. And I can't do anything about it. Kahit pa pigilan ko, wala akong magagawa. Desisyon nila kaya kailangan respetuhin ko na lang. As much as I want to make people stay in my life, wala akong magagawa kung gusto nilang umalis o iwanan ako. I take good care of them, I do my best na may communication pero habang patagal ng patagal e sila 'tong wala ng gana. Sila 'tong may ayaw at ang masasabi ko lang... THANK YOU for touching my life. Kahit saglit lang, masaya naman akong naging parte kayo ng buhay ko. Sana lang marunong kayong magpahalaga at alagaan ang mga taong pinahahalagahan kayo at inaalagaan. Please lang. Wag kayong maging manhid. Be thankful andyan sila sa inyo. Yung mga taong yung hindi naman pinakakawalan. Dapat ingatan. Show appreciation naman.
At the moment, may isang taong ayoko pakawalan ngayon. Nalulungkot ako kapag naiisip kong hanggang dito lang kami. Ang relasyon naming dalawa parang HI-HELLO-BYE lang. :'( Ayokong mawala sya. Ayokong pakawalan sya. Ang drama nito, promise, pero I don't wanna lose someone like him. Kakaiba sya sa lahat. Ewan. Ba't ganito nararamdaman ko. Nalulungkot ako. :'( Ayoko na syang makasama kung for a very short period lang pala. Naiimagine ko yung ihahatid nya ako pauwi tapos... ngingitian ang isa't isa, magpapaalam, tapos tatalikod na. Kanya-kanya na ulit! :'( Ang saklap nun. Kung magkaganun nga, sana magkita kami ulit. Gaya ng sinabi nya sa akin, baka after 3 years kapag kinagat ako ng tipaklong, siya na gagamot sa akin (nagpatawa pa yun. Badtrip na nga ako e. Pero ayos lang, I know kinocomfort lang nya). So, meaning baka magkita pa kami ulit. :'( SANA NGA! So for the meantime, dapat sulitin namin ang bakasyon na magkasama pa kami. :) na lang. Kapag nawala sya sa akin, may dadating pa na naman. Pero hinding-hindi ko kakalimutan pinagsamahan naming dalawa.